Indak by Up Dharma Down
Tatakbo at gagalaw
Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin
Ang pag-hinga’y nabibitin
Ang dahilan na alam mo na
Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam
Ngunit ako ngayo’y naguguluhan
Makikinig ba ako
Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang
Sa tibok ng puso mo
At aasahan ko na lamang na
Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw
Habang nanonood siya…
Paalis at pabalik
May baong yakap at suklian ng halik
Mag-papaalam at mag-sisisi
Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi
Tayong dalawa lamang ang nakaka-alam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pag-bibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
O pipigilan ang pag-ibig nya na totoo
Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi nya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya
Habang nalulungkot ka
Habang nalulungkot ka, isa nama’y natutuwa
Minsan naman ay lumuluha
—-
More happening at:
- http://twitter.com/updharmadown
-
smileformycamera liked this
-
nemebatocabe liked this
-
ayselala reblogged this from thisfire
-
quintessentialserendipity liked this
-
monkeycmonkeyd0 liked this
-
wallflowerparty liked this
-
thisfire posted this